Linggo, Abril 29, 2012

iBox



Minsan yung mga maliliit o simpleng bagay na kung tutuusin wala naman talagang ganun kalaking kahalagahan o impluwensya sa mundo, yun pa yung magmumulat sa’yo sa epekto ng nagawa mong pagkakamali. Isang simpleng bagay na di mo inaasahang yun pa pala ang gigising sa’yo sa riyalidad at magpapabatid sa’yo kung ano nga ba ang dapat mong gawin para maituwid yung pagkakamali na iyon.
“Lilipas din naman ‘to, di ko na kailangan pang kausapin siya tungkol sa bagay na yun.” Yan ang madalas isipin ng kaibigan kong si Janiss tungkol sa isang bagay kaugnay ng kanyang trabaho, yung tinatawag nilang “rejection” thing na normal lang naman na nangyayari sa kahit na pa anong propesyon kaya kung tutuusin di naman niya dapat pang prinoblema. Masyado lang talaga niyang binig deal dahil sa pagka-oversensitive niya. Ika nga ng iba, in layman’s term, “OA” lang teh! Kaya ayan tuloy…(ang ibig kong sabihin, dapat yung mga maliliit lang na bagay, inaayos kaagad di na dapat pang pinalalaki, susme! Haha!) Lumilipas ang mga araw na tila wala namang nangyayari hanggang sa dumating sa punto na nabaliw na siya, (Oo, as in literal na baliw na talaga siya! Di mo na mawari kung anu-anong tumatakbo sa utak niya at pinag-gagagawa niya e! Nakakalurky na siya!).
Hanggang sa nabasag na ang katahimikan ng kabilang panig; “nung sinabi kong huwag mo muna akong kausapin, dapat nanahimik ka nalang e. Unti-unti nang nawawala e, unti-unti nang nakakalimutan yang nangyari. Andun na e, yung tipong kung kailan nagiging handa na ko para mapag-usapan at maayos, may panibago nanaman akong maririnig na ginawa mo!…….Maraming iba na may gusto sa kung anong trabaho meron ka. Maswerte kang nakapasok dito, pero sinayang mo lang. Lagi mong sinasabi na importante sa’yo ‘to?! I don’t think so! Dahil kung talagang importante sa’yo ang isang bagay o tao, pahahalagahan mo yun. Pero ikaw ano?? Sa tingin mo sa mga ginawa mo, pinahalagahan mo ba yang sinasabi mong importante sa’yo? Hindi Janiss! Kahit kalian hindi mo binigyan ng halaga. I can’t work with you anymore! Ngayon, anong balak mo diyan sa mess na ginawa mo?? Ayusin mo yan bago pa lumala nanaman.”  BOOM! Tama naman si bossing e di ba mga madlang mambabasa? Minsan kasi may mga pagkakataon na “katahimikan” at “oras” ang makakapagpatila sa nangangalit na unos. Hindi dapat sugod ng sugod sa kasagsagan ng bagyo, kasi kung sasabayan mo yun, baka sa halip na maaliwalas na panahon ang kasunod, maging delubyo pa ito.
=l =( =’( -------- Yan na yan yun. May iba pa ba namang dapat maramdaman si Janiss sa nangyaring iyon kundi ‘yang mga yan? Nawalan na siya ng trabaho, kasama dun ang mga taong itinuturing niyang pamilya at syempre dahil nawalan siya ng trabaho, ibig sabihin wala na rin si sweldo at malamang at higit pa sa lahat, galit pa si boss dahil na rin nga sa mga nangyari. Isang malaking “HAAAAAYYYYY” nga naman. “Naguguluhan ako. God knows how much I wanted to stay. Pero dahil na rin sa mga sinabi niya, pa’no pa? Mahirap dahil naging parte na ng buhay ko ang trabaho na yun pati na ang mga tao dun e. Pero alam ko rin naman sa sarili kong syempre, mas kailangan si boss dun kaysa sa’kin. Obviously, siya nga yung boss di ba? Alangan namang dahil lang sa kagustuhan kong manatili pa sa trabaho e siya ang mawawala sa kumpanyang siya naman talaga ang nagpapatakbo. So I guess, I have no choice. Sayang nga lang, nabigyan pa pala sana ako ng pagkakataon kung nanahimik nalang talaga ako. Yun ang pinagsisisihan ko ngayon ng sobra! Wala na kong magagawa sa ngayon kundi ayusin nalang yung mess na nagawa ko. Yun nalang talaga ang pwede kong gawin. Kahit yun manlang maayos ko, para naman malaman niyang sobrang pinagsisisihan ko talaga mga nagawa ko at laking panghihinayang ko sa mga bagay at taong nawala sa’kin dahil sa pagkakamali na yun. Kaya gagawin ko talaga lahat, maisaayos lang yun. Dahil hindi totoong hindi sila importante sa’kin, hindi totoong hindi mahalaga sa’kin yung trabaho na yun.”
Kawawang Janiss, sa halip na maayos ang lahat, lalo pang lumala. Kaya ipinangako niyang talaga sa sarili na kailangan niyang pagtuunan ng pansin kung ano ba ang dapat gawin sa bagay na iyon, maisaayos lamang itong muli. Ang tanging problema niya lamang ng mga panahong iyon ay…,jaran! – BUDGET at kung PAANO? BUDGET, syempre wala na nga siyang trabaho di ba? Tapos “escapade season” pa nun so talagang zero balance ang byuti ng Janiss! PAANO, kasi wala naman siyang alam sa mga pagkukumpuni ng kung anu-ano sa paligid niya, yun na yun! :P Mahal na araw, isang linggong bakasyon. Perfect season para mapagnilay-nilayan niya lahat ng nangyari. Lunes ng linggong iyon, isang text message ang natanggap ni Janiss: “Ayusin mo na yung kalat mo before Wednesday bago pa makita ng iba yun.” (ayan na o, kahit yan nalang sa bagay na yan binigyan ka pa ng CHANCE Janiss o, mag-effort ka naman teh!) Pagkabasa ni Janiss ng mensaheng iyon, napatulala ito at nag-isip. Okay to make it more specific, mixed thoughts na naman ang tumatakbo sa utak niyang ewan; nagulat na masaya na worried na relieved na ewan na rin kung ano pa! Matapos ang ilang minuto ay sinagot niya na rin ito: “Sige po boss, bukas pupunta po ako diyan sa opisina para ayusin yan. Paano po ba gagawin natin dun?” Ilang minuto na ang lumipas….Tick tock…..tick tock……tick tock…….. Wala pa ring tugon si boss sa text ni Janiss kaya naisip niyang muli na, “haaaayyyy, siguro nga galit pa ring talaga siya. Di na sumagot e.” Hanggang sa 1 new message received: “Janiss, gamitan mo nalang ng iBox. Siguro mga dalawang ganun pwede na dun. Sa mall sa may supermarket may ganun.”-“Sige po boss, bukas po agahan ko nalang po, dalhin ko po sa opisina” sagot ni Janiss. “Wheeeeww! Lord, thank you po! I mean, alam ko namang di pa talaga ganun ka-okay, pero yang ganian na kahit papaano, kahit napakaliit na chance, keribels na rin! Pero…, seriously, ano yung “iBox” thing na yun????”
Google search box: i-box……searching…….. “Did you mean x-box?” / “Did you mean i-pad, i-pod” etc. etc! “Yung totoo, tuturuan pa ko Google?? Sinabi ko na ngang i-box teh, i-box! Ipinipilit dapat ang gusto mo na x-box, i-pad or kung anuman yan??!” (HAHAHA!) Oo, sa maniwala kayo’t sa hindi sinearch pa talaga ni Janiss yan sa internet! Binigyan naman siya ng brief description ni bossing e, kaso di pa rin niya ma-imagine kung ano ba yung dapat niyang bilhin na yun. Kamalas-malasan, e wala talaga sa search results. Sorry nalang siya! Pero may mas malaki pa siyang problema bukod dun. Yun ay ang unang nabanggit kanina: BUDGET. Dahil nun ngang mga panahon na yun, wala pa, wala pa siyang pera. Mga siguro 2 or 3days after niya nareceived yung txt about it, dun siya magkaka-breds! ORAS. Tignan niyo nalang sa sitwasyong iyan kung gaano ka-importante ang oras. Yung tipong gaya niyan, na gustong-gusto na talaga niyang ayusin ang bagay na yun pero di pa siya maka-aksyon dahil wala pa siyang magagamit kaya nagpalipas muna siya ng ilang araw dahil nga sa hinihintay din niya yung gagamitin niya para dun, yun ang dahilan kung bakit di pa niya ito agad-agad naisaayos, hindi dahil sa wala na siyang pakealam pa dun. Unfortunately, kinakailangan niya na itong gawan ng paraan dahil nga binigyan na siya ng “deadline” ni bossing. Oras, yun lang talaga ang kalaban dito sa sitwasyong ito e. Ilang araw lang ang pagitan ng pagdating ng pera ni Janiss sa palugit na araw na ibinigay sa kanya di ba? Kita niyo ba ang kahalagahan ng oras dito? Sabi nga nila, maraming pwedeng mangyari sa galaw ng oras. Ganyan yan ka-makapangyarihan kaya dapat matuto tayong pahalagahan ito.
Kinabukasan, tulad ng naipangako ni Janiss, umalis siya ng kanilang bahay upang magtungo sa kanilang opisina. Pero bago siya dumirecho doon, gawa nga ng wala pa siyang magamit, ang tanging naiisip na lamang niya at kaisa-isang bagay na meron siya noon ay ang kanyang digicam. Oo, tama ang iniisip niyo, balak nga niyang isangla ito upang maayos na ang kalat na ginawa niya sa kanyang trabaho. Naghintay muna ito sa isang kaibigan niya dahil may iaabot ito sakanya saka tinanong na rin niya kung paano bang gagawin dahil sa totoo lang, kinakabahan siya ng mga oras na ‘yon (FYI, FIRST TIME kasi mag-sangla ni Janiss kaya boinks boinks siya sa ganoong bagay. :P =/). Kinakabahan, dahil iniisip niyang “paano kung wala, kung hindi tanggapin ‘to? Wala na kong ibang alam pa kundi ito.” Kaya habang naghihintay, bihirang pagkakataon na humingi siya ng tulong kay GUY UP THERE at sabihing “Lord, kayo na po bahala. Please, wag niyo naman po ako masyadong pahirapan sa pagahahanap. Alam niyo po sa sarili niyo kung gaano ko na ka-gustong maayos ‘to noon pa. Lord please, I don’t want to disappoint boss all over again.” Pagdating ng kanyang kaibigan, nagtanong-tanong siya kung saan pwede itong isangla, kung anong sasabihin, at kung anu-ano pa. Matapos ito ay nagpasya na nga si Janiss na umpisahan na ang paghahanap ng mga sanglaan. Pagka-alis ng kanyang kaibigan ay nagtext ito sa kanya at sinabing, “Gurl, halatang-halata nga ang nerbyos mo sa katawan. :P Go, kaya mo yan!” Unang sanglaan, “ayy Miss sorry, wala na sa list yung model nung digicam e.” Pangalawa, pangatlo, pang-apat, pang lima, “ayy di man po kami tumatanggap ng digicam,” pang-anim, pang pito, mga puro paasa na kukunin, tapos biglang magbabago ang isip at kung anu-anong dahilan ang iniimbentong masabi,…. Mula 12-2:30 pm sinuyod ni Janiss ang bayan sa paghahanap ngunit nabigo ito. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman niya nung mga oras na ‘yon. Yung feeling na mangiyak-ngiyak na dahil na sa init, sa pagod sa kakalakad, sa kaba na maaring hindi niya na ito magawan ng paraan, yung takot na baka ma-disappoint nanaman niya si boss at isiping baka puro lamang siya salita, lahat-lahat na! No choice, kailangan na talaga niya ng tulong. Desidido talaga siyang maayos yun sa mismong araw na yun dahil nangako siya sa kanyang boss at ayaw niyang ma-dismaya itong muli.
Mga bandang alas-tres na ng makarating si Janiss sa opisina nila. Pagkababa nito ng sasakyan ay sakto namang andun din si boss niya kaya’t sabi nito kay Janiss, “iwan mo nalang yan sa harap ng office” na siya namang agad-agad ginawa niya. Hinintay niya pang umakyat sa opisina si boss kasi wala namang magbabantay nung iBox dun, pa’no nga naman kung may mapang-trip na kumuha nun? (Yung totoo, paranoid much lang kasi e noh, Janiss?! :P) at para na rin maayos o mapalitan kung sakaling di pa rin ito sapat o tama. Pagdating ni bossing ay nakita nito si Janiss sa harap ng kanilang opisina at tinanong kung bakit naghintay pa ito samantalang sinabi na ngang iwanan nalang dun, (stubborn and paranoid nga po kasi siya bossing, yun yun! :P Haha!) “para po mapapalitan or what if ever na di pa po okay boss.” – (habang ipinapasok ang iBox sa loob ng opisina); “Pwede na yan. Okay na yan. SANA NGA OKAY NANG TALAGA. Sige.” Matapos nun, okay, back to “that awkward moment when you saw someone who used to be so close to you and now you can’t even look at each other like a total stranger.” A-W-K-W-A-R-D. :/ Naisip nalang ni Janiss, “okay lang, alam ko darating yung araw na mawawala na rin yan. Hahayaan ko nalang na kusang maging okay ulit, kesa naman maulit pa yung dati na di ako nakapaghintay, kaya lalo lang lumala yung sitwasyon.”
Lumipas ang ilang linggo matapos iyon. Akala ni Janiss okay na dahil hindi naman na siya nakatanggap pa ng text mula sakanyang boss patungkol dun sa iBox na yun. Hanggang sa isang araw, sa kalagitnaan ng kwentuhan nila ng kanyang best friend, natanong siya nito; “okay na ba yung kay boss? Di ka na ba niya tinext ulit?” – “Hindi naman na. Okay na e. Bakit?” tanong ni Janiss. “Ah. Wala naman. Sabagay, mukha namang okay na, medyo may portion lang na hindi pa, pero keribels lang.” Sa nalamang iyon ni Janiss, naglakas loob nalang siyang tanungin si boss kinabukasan tungkol dun. Dahil mula umpisa pa naman ng kwentong ‘to, wala na kong ginawa kundi banggitin na gusto lang naman niya talagang maayos yun (haha!), FOR REAL. Sumagot naman si boss at sinabi nga na may parte pa na di pa ganun ka-okay tulad ng nabanggit ng best friend ni Janiss. Nang malaman yun ni Janiss, tulad ng dati, tinanong ulit niya kung ano pa ba ang maaring gawin dun para maayos na talaga. Binigyan naman siya ng pagkakataon na pumunta sa opisina para siya mismo makakita kung paanong gagawin dun at sinabi naman na rin sakanya na siya na ang bahala kung ano sa tingin niya pwedeng gawin para dun. Nung makita niya na ito, bilang wala man nga siyang alam sa mga ganoong bagay-bagay, wala na siyang ibang maisip kundi isa pang iBox! Sa tingin naman niya e kung papatungan pa ito ng isa e maayos na ng tuluyan yung parteng magulo. Kaya kinabukasan din ay bumili pa ito ng isa pang iBox. Pagdating niya sa opisina ay siya rin namang naroon si boss at may ginagawa. Konting usap na syempre tungkol lang naman dun sa iBox, hanggang sa matapos ang 30minuto siguro e umalis na rin naman si boss at ibinilin nalang ang opisina kay Janiss; “Janiss, iwan na kita diyan ah. Bahala ka na kung paanong gagawin mo diyan. Paki-tanggal nalang yung saksakan nung PC neh.”
Mula 11:30 ng umaga hanggang 2:30 ng tanghali inayos ni Janiss yung kalat na nagawa niya. Medyo mahirap din dahil nga wala naman siyang alam sa mga ganoong bagay kahit na pa kung titignan e napaka-simple lang (pero swear, di naman daw talaga ganun kadali yun! Try niyo! :P) at isa pa, mag-isa lang naman niyang ginawa yun. Inisip nalang din naman niya, “mag-isa ko lang naman ginawa ‘tong kasalanan na ‘to e, kaya dapat lang din na ako lang ang umayos. Kung tutuusin nga dapat nung umpisa palang di ko na ginambala si boss sa kakatanong kung ano ba dapat gawin dito dahil wala naman siyang kinalaman. Ma-swerte nalang siguro ako na kahit papaano, sa kabila ng mga nangyari, kahit patungkol lang sa bagay na ‘to e pinipilit pa rin niyang tumulong kahit sa napaka-simpleng bagay lang na pag-gabay sa’kin sa kung anong dapat gawin, kahit na pa alam ko sa sarili kong para sakanya malamang e mahirap na ring talaga dala na rin ng mga naging pangyayari.”
      Tuluyan na ngang natapos ni Janiss ang pag-aayos sa kanilang opisina. Palabas na siya ng pintuan ng biglang napatigil ito, lumingon at nasambit nalang niya sa sariling, “ito na marahil ang huling pagkakataon na makakatapak ako sa lugar na ‘to. Sa lugar na ‘to na kung saan nahanap ko ang pakiramdam ng maging masaya kasi kahit dito manlang, BUO yung “PAMILYA” ko. Yung saya na kahit na may mga pinagdadaanan kang problema, alam mo sa sarili mong hindi mo yun haharaping mag-isa kasi andiyan naman yung mga “kapatid” mong kasama mo na haharap sa problema na yun, at “Ina” na gagabay at magmumulat sa’yo sa mga bagay-bagay dito sa buhay. Lahat ng yun, dito sa lugar na ‘to ko nahanap, dito lahat nag-umpisa. Ni minsan di ko naisip na dito rin pala matatapos lahat ng yun, dahil sa mga pagkakamaling nagawa ko. Pagkakamali na sa ngayon, siguro eto na yung pinakamalaking pagsisisi ko sa buhay. Oo, lumilipas ang mga araw na unti-unti na akong nasasanay na wala na nga sigurong talaga. Baka nga talagang boss can’t work with me anymore, pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi na ako umaasang makakabalik pa ko sa trabaho ko, sa “pamilyang” nahanap ko sa katauhan nila, o kahit manlang isang araw, maging maayos lang kami ulit, tatanggapin ko yun. Yun na siguro ang isa sa mga pinakamasayang araw ko pag nangyari yun. At kung magkaganun man, sisiguraduhin kong hinding-hindi ko na sasayangin yung pagkakataon na binigay sa’kin at pahahalagahan ko na ang aral na dinulot ng pagkakamali kong ito.”
iBox, bago magkalimutan, eto yung isang parang chest/treasure box na gawa sa plastic. Parang Tupperware na malaki na pwedeng paglagyan ng kung anu-ano tulad ng mga dokumento, laruan, damit at kung anu-anu pa. Minsan yung mga maliliit o simpleng bagay na kung tutuusin wala naman talagang ganun kalaking kahalagahan o impluwensya sa mundo, yun pa yung magmumulat sa’yo sa epekto ng nagawa mong pagkakamali. Isang simpleng bagay na di mo inaasahang yun pa pala ang gigising sa’yo sa riyalidad at magpapabatid sa’yo kung ano nga ba ang dapat mong gawin para maituwid yung pagkakamali na iyon. 
      iBox, nakakatawa lang isipin na dahil lang sa bagay na yun, dun pa mababatid ng husto ni Janiss yung EPEKTO ng mga pagkakamaling nagawa niya. Nang dahil sa iBox, napagtanto niya ang KAHALAGAHAN ng ORAS kahit sa isang napakasimpleng pagkakataon o sitwasyon manlang,  na ang pera hindi basta basta napupulot lang kung saan-saan, huwag maging padalos-dalos sa mga ikinikilos natin maging sa mga salita na ating binibitawan at higit sa lahat at madalas sinasabi ng karamihan lalo na ng mga mas nakatatanda sa’tin; “ANG PAGKAKAMALI, KAILAN MAN HINDI MAITATAMA NG ISA PANG PAGKAKAMALI.” Isang simpleng bagay na may simpleng gamit. Simpleng kagamitan na naging kasangkapan upang maayos ang isang pagkakamali. Simpleng iBox na nakapagturo sa isang tao na hindi lahat ng bagay at tao na nasa paligid mo ay may kasiguraduhang hindi mawawala sa’yo. Isang iBox na nagpaintindi na para manatili ang mga importanteng bagay at taong ito sa buhay mo, kailangan mo itong pahalagahan at alagaan sa paraang TAMA.



-xiyhanJ678..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento